Pacquiao hindi pa handa– Roach

BAGAMA’T todo na ang training ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao ay aminado pa rin ang premyadong coach na si Freedie Roach na hindi pa handa ang kanyang alaga na sumagupa sa kanyang katunggaling American boxer.

May natitira pang limang linggo para sanayin ni Roach si Pacquiao at naniniwala ang una na lalong gagaling at magiging kondisyon ang huli bago dumating ang takdang araw ng pagtutuos nila Timothy Bradley Jr. sa MGM sa Las Vegas sa June 9.

Bukas, ang huling araw ng training ni Manny sa Baguio. Bababa ang team Pacquiao sa Maynila para sa dalawang araw na ensayo bago tumulak patungong Los Angeles sa Sabado (Mayo 5).

Sa Wild Card Gym sa Amerika tatapusin ni eight-division world titlist Pacquiao ang kanyang training para itaya ang WBO welterweight belt laban kay Bradley.

Halos tatlong linggo nang nag-eensayo si Pacquiao at kahapon (Mayo 1) ay binomba ni coach Freddie Roach ang alaga nito para palakasin ang resistensya.

Pinagpapalo ni Roach ng stick ang katawan ng Pambansang Kamao at dinagdagan ng 100 metro ang jogging nito.

Nakipagsuntukan na rin si Pacquiao sa kanyang mga sparmates na pinangunahan ni Russian boxer Ruslan Provodnikov at ayon sa team Pacquiao ay nakikitaan na ito ng pagiging matured boxer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply