Pacquiao kinuyog sa Las Vegas

DINUMOG ng maraming fans at international media si Manny “Pacman” Pacquiao (54-3-2, 38 KOs) nang dumating ng LAX International kahapon  lulan ng Philippine Airlines Flight 102.

Kasama ng Pambansang Kamao si trainer Freddie Roach at iba pang kasapi ng Team Pacquiao.

Sinabi ni Pacquiao na halos handa na siya sa laban at napakaganda ng training camp niya sa Baguio City.

Ayon sa kanya, sasalang pa siya sa training sa loob ng apat na linggo sa Wild Card gym.

Samantala, sinabi naman ni Roach na walang katotohanan ang mga sinasabi ni Tim Bradley na hindi nagseseryoso si Pacquiao sa training nito.

“Maybe Bradley should come over to the Wild Card and see how hard Manny works in the ring. No one works harder – no one – and Manny is not ready to give up his throne. Manny is so serious,” ayon kay Roach.

Idedepensa ni Pacquiao an gkanyang WBO welterweight championship crown kay Braldye sa June 9 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply