Pacquiao tiwalang mananalo si Jessica sa American Idol

AYON sa celebrity doctor na si Vicki Belo, buo ang tiwala ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao na makakaabot ang Filipino-American na si Jessica Sanchez sa finale ng American Idol season 11 at sa huli ay tatanghaling kampeon.

Kung noon ay hindi natuloy ang panonood ng live ni Manny sa American Idol, ngayon ay balak niyang panoorin si Jessica ng live sa finale.

Sa kwento ng celebrity doctor last minute noong elimination round ay nag-decide si Manny na ipagpaliban ang personal na pagsuporta kay Jessica dahil makapapasok ito sa finale.

Ipinagdasal na lamang ng pound-for-pound king si Jessica noong elimination episode last week.

Samantala, makakalaban ni Sanchez sa top 3 sina Phillip Phillips at Joshua Ledet.

Tatlo ang nakatakdang awitin ng 3 finalist na pipiliin ng mga Idol judge at mentor, habang ang isa ay sarili nilang pili.

Sa Biyernes (Huwebes sa Amerika) malalaman kung sino ang dalawang maglalaban sa final stage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply