Pag-ambush sa EARIST EVP binubusisi

MAS malalimang imbestigasyon pa ang isinasagawa ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District sa pag-ambush sa executive vice president ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) ng “riding in tandem” sa Valencia St., Sta. Mesa, Manila nitong Biyernes.

Inaalam na ng operatiba ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Division at ng mga tauhan ng MPD-Sta. Mesa Police Station 8 ang motibo sa paglikida kay Noel Bangis Cabrera, 46, EVP ng EARIST sa Nagtahan, Sampaloc, Manila at residente ng Lot 7 Carnation st. Modesto Village, San Mateo Rizal.

Gayunman, hinala ng pulisya na “hired killer” ang bumanat sa biktima na kapwa lulan ng  motorsiklo at parehong nakasuot ng helmet at armado ng baril.

Bago ang pananambang, lumalabas na alas-7:15 ng gabi nitong Biyernes, binabaybay ng biktima sakay ng Toyota Avanza (PVO-241) ang Valencia St., kasama ang kanyang staff na si Rolando Peraldo nang paulanan sila ng bala at tamaan ang biktima.

Sigurado namang ang biktima lang ang target dahil nang bumangga ang minamanehong sasakyan ni Cabrera ay agad ding tumakas ang mga suspek.

Mga tama ng kalibre 45 baril sa  likurang bahagi ng katawan ang pumatay sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply