Pag-amyenda sa FCDA sinopla ng Kamara

TUTOL ang liderato ng Kamara na amyendahan ang Foreign Currency Deposit Act.

Ito ang reaksyon ni House Speaker Feliciano Belmonte sa plano ng oposisyon na maghain ng panukala para maamyendahan ang naturang batas na umano’y ginamit na palusot ni Chief Justice Renato Corona para itago ang kanyang dollar acounts.

Sinabi ni Belmonte na malinaw namang nakasaad sa batas na applicable lamang ang absolute confidentiality para sa dollar accounts kung ang nagmamay-ari nito ay pawang mga pribadong indibidwal at mga negosyante.

Obligado rin aniya ang lahat ng mga public official na ideklara ang kanilang yaman at mga pinagkakakitaan batay sa kanilang sinumpaang tungkulin kaya hindi na kailangang linawin ito ng kongreso.

Hindi na aniya kailangang baguhin ang batas sa halip ay sumunod lang sa ipinaiiral na sistema ng transparency.

Ngunit naunang sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na kailangang amyendahan ang FCDA.

“Alam mo pwede mong gawing amendments sa batas ay yung FCDU the confidentiality will be strictly observed if you are a businessman, private individual, but if you are a public official you must disclosed. That’s one amendment that I think can be done in the connection on FCDU,” sinabi ni Suarez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply