Pag guilty ang hatol, kaso ni CJ iaapela ni Cuevas

NAGPAHIWATIG ang kampo ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na aapela sa Korte Suprema sakaling “guilty” ang hatol ng impeachment court laban sa punong mahistrado.

Mariing ipinaliwanag ni defense lead counsel Serafin Cuevas na walang nakasaad sa batas na “final and executory” na ang desisyon ng Senado kaugnay sa impeachment case.

Sa ngayon ay may nakabinbin pang petisyon si Corona sa SC na humihiling na ipatigil ang paglilitis dahil sa umano’y pag-abuso ng Senado sa kapangyarihan nito.

Magugunita na nagbabala ang ilang senator-judges na maaring magkaroon ng constitutional crisis sakaling maki-alam ang Korte Suprema sa trabaho ng Senado.

Ayon pa kay Cuevas, bagama’t nasa kapangyarihan umano ng Kongreso ang pagtalakay at paghatol sa impeachment case, hindi naman nakasaad sa batas na wala ng kapangyarihan dito ang SC.

Kaagad namang nagpahayag ng pagkadismaya ang House prosecution panel sa nasabing posisyon ni Cuevas.

Sinabi ni prosecution panel spokesman Erin Tanada na maituturing umanong “indirect tampering with the jury” ang ginagawa ng mga abogado ni Corona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply