Pag hindi nagkasundo: Roach, Ariza kapwa sisibakin ni Pacquiao

NAMUO ang tensiyon sa kampo ni Pinoy boxer Manny “Pacman” Pacquiao sa huling episode ng HBO reality series “24/7: Pacquiao vs Bradley” dahil lumilitaw na may alitan pala sina coach Freddie Roach at Alex Ariza.

Si Pacquiao na ngayon ay nagte-training para sa Hunyo 9 (Hunyo 10 sa Maynila) para sa welterweight clash kontra unbeaten American Timothy Bradley Jr., ay nagsabi na masaya siya sa takbo ng kanyang training ngayon at wala nang sagabal.

Pero may mga isyung lumitaw sa naturang episode at ibinunyag ni Roach na noon pa niya gustong masibak ni Pacquiao si Ariza, ang kanyang strength and conditioning trainer.

“I’m going to suggest to Manny that we maybe get rid of him or I get a new strength coach,” ayon kay Roach.

Ang tensiyon sa pagitan ng dalawa ay nagsimula nang biglang layasan ni Ariza si Pacquiao noong nakaraang buwan at lumipad patungong Los Angeles para magtrabaho sa isa pang boksingero na si Julio Cesar Chavez Jr.

Sinabi ni Ariza na nagpaalam na siya kay Pacquiao na aalis, isang bagay na lumabas sa “24/7 episode.”

Nainis si Roach sa biglaang naging desisyon ni Ariza na iwan si Pacquiao, gayunman, hindi na siya nanghihinayang.

Ibinunyag din ni Roach na bukod sa pagtanggap niyang wala na sa kampo nila si Ariza, pumapapel na rin kasi sa ibang bagay at nakikialam si Alex kahit sa trabaho ni Roach.

Sa naturang episode, ibinunyag din na sinibak din ni Khan, ang stablemate at dating sparring partner ni Pacquiao si Ariza.

Magkagayunman sa kabilang banda, marami rin namang naitulong si Ariza kay Pacquiao, tulad ng mga teknik na nagamit ng Pinoy champ para mapabagsak ang mga kalabang sina Oscar De La Hoya, Ricky Hatton at Miguel Cotto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply