Pag sinaklolohan si CJ, SC lulubog sa kahihiyan

BINALAAN ng prosecution panel ang Korte Suprema sa posibilidad na saklolohan si Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO).

Ginawa ni House Deputy Speaker Erin Tañada, isa sa spokesman ng prosekusyon, kasunod ng pinangangambahang paglalabas ng TRO ng SC sa naka-pending na apila ng depensa na humihiling na ipawalang bisa ang buong impeachment proceedings.

“Hindi dapat maglabas ng TRO ang SC dahil baka sabihin ng tao na tinutulungan ng Supreme Court si CJ,” ani Tañada.

Kung gagawin aniya ito ng SC ay lalo lang aani ng batikos ang buong Korte Suprema kapag naglabas ng TRO habang nakabitin pa rin ang desisyon ng impeachment court.

Binigyang diin naman ni Aurora Rep. Sonny Angara na lalong malulubog sa kahihiyan ang Supreme Court at baka tuluyang mawala ang integridad ng buong institusyon.

Sinabi ni Angara na sana ay huwag humantong sa paglalabas ng TRO sa panig ng SC dahil ang mga ganitong proceedings ay tunay na ang Senado lamang ang maaaring magpasya.

Ayon naman kay Marikina Rep. Miro Quimbo, hindi dapat maglabas ng TRO ang SC kundi dapat maipakita ang pagiging patas nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply