Pagbaha sa Metro isolated case lang — MMDA

ISOLATED case lamang ang naranasang mga pagbaha sa malaking bahagi ng Metro Manila sanhi ng biglaang buhos ng ulan kahapon ng umaga, ito ang pahayag kahapon ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Particular na naapektuhan ng pagbaha ang ilang bahagi ng Magallanes sa Makati city at Pasay City.

Naging sanhi rin ito ng pagsisikip ng trapiko.

Ayon naman sa PAGASA, walang kinalaman ang namataang low pressure area sa bahagi ng Virac, Catanduanes sa nasabing pagbaha sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Isolated rain shower lamang umano ito na dala ng papalapit na tag-ulan.

Matatandaang inireport ng PAGASA na may namumuong low pressure area kahapon ng alas-dos ng madaling araw sa layong 270 kilometers ng silangan-timog-silangan ng Virac, Catanduanes.

Gayunman, wala pa silang update hinggil dito hanggang sa oras na sinusulat ang balitang ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply