‘Pagbaliktad’ ng 2 alyado ni PNoy aprub sa CBCP

IKINATUWA ng Simbahang Katolika ang pag-amin ng dalawang opisyal ng pamahalaan na malaking tulong ang paglaki ng populasyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Batanes Bishop Camilo Gregorio, mabuti na lamang at mismong government officials na ang nagsabi na makatutulong ang pagdami ng mamamayan para mapaunlad
ang ekonomiya ng bansa.

Natatawa na lamang din si Gregorio dahil napaka-inconsistent aniya ng pamahalaan sa pagbibigay ng pahayag dahil isinusulong nito ang isang non-prolife stand dahil sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Nauna rito, inamin nina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amado Tetangco at Finance Secretary Cesar Purisima na nakatutulong ang paglaki ng bilang ng mamamayan sa pagpapaunlad ng bansa.

Itinuturing naman ni Father Melvin Castro, executive secretary ng Episcopal Commission on Family and Life ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ‘milagro’ ang pahayag nina Tetangco at Purisima dahil mistulang binaligtad nila ang mga pangungusap ng pamahalaan lalo na at napaka-bokal ng administrasyong Aquino sa pagsusulong ng RH bill na itinuturing ng simbahan na ‘Anti-Life bill’.

“Well actually it’s nothing short but a miracle!  Kasi binaliktad nila ang kanilang mga pangungusap,” ayon kay Castro

Muli rin itong nanindigan na hindi talaga kailangan ang RH bill at hindi kailangan ang pag-promote ng artificial means ng pag-aagwat ng pamilya dahil ang ‘biggest resource’ aniya na mayroon ang Pilipinas ay ang human resource.

Samantala, ikinatuwa rin ni Batanes Bishop Camilo Gregorio ang pahayag ng dalawang government officials.

Natatawa rin ito dahil napaka-inconsistent ng pamahalaan sa pagbibigay ng naturang pahayag dahil isinusulong nito ang isang non-prolife stand dahil sa kontrobersiyal na RH bill.

Sinabi naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na kusa nang lumalabas ang masamang katotohanan sa likod ng RH bill.

Ayon kay Bacani, patunay ang pahayag nina Tetangco at Purisima na hindi matibay ang ipinaglalaban ng mga PRO-RH sa population control policy dahil sa katotohanang ang paglago ng populasyon ay asset ng ekonomiya ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply