Pagbatikos ni Manny sa mga bakla oks CBCP

IKINATUWA ng isang Catholic bishop ang pagkondena ni Sarangani Representative Manny Pacquiao na pagsuporta ni US President Barrack Obama sa same-sex marriage, na nagpapakita lang aniya ng pagiging tunay nitong Katoliko.

Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, sinabi pa ni Gutierrez na ang pahayag ni Pacman ay pagsunod lamang sa sinasabi ng Bibliya na ang pag-aasawa o pagkakasal ay sagradong pagsasama sa pagitan ng babae at lalaki at hindi ng magkaparehong kasarian.

Naniniwala rin ang Obispo na magiging mabuting halimbawa si Pacquaio sa mga mananampalatayang Katoliko sa pagtatanggol sa kasagraduhan ng kasal, buhay at pamilya.

“He’s right! Tama talaga si Pacquaio because in Genesis for this reason the man shall leave his father and mother and shall cleave unto his wife and the two shall be one! So, the plan of God is for man and woman so that they can multiply it. Pacquiao is just following the bible and we hope na magiging mabuting halimbawa siya sa mga mananampalataya sa pagtatanggol sa mga salita ng Panginoon,” ayon kay Gutierrez sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Ipinaliwanag pa ng Obispo na malinaw naman sa pahayag ni Pacquiao na hindi siya galit sa third sex kundi sa same-sex marriages lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply