Pagbuhay sa national ID system pinaboran

PABOR ang isang pari ng San Beda College Graduate School of Law sa muling pagbuhay ng Kongreso sa National ID system.

Ayon kay Fr. Ranhillo Aquino, dean San Beda College Graduate School of Law sa interview sa Church Run radio Veritas na malaking bagay ang pagkakaroon ng national ID system sa bansa.

Ito aniya ay makakabuti sa estado ng mga mamamayan.

“Like me for example, I served part in the government, nangutang ka sa GSIS,may ibang I.D. ka pa tulad sa Pag-Ibig,may ibang ID ka pa,kukuha ka pa ng cedula.So ang dami-daming papel,marami kang asikasuhin.So if you can use that all in one I.D., that would be very good.”pagbibigay ng halimbawa ni Fr. Aquino.

Gayunman, sinabi ng pari na dapat mabalangkas ng mabuti kung ano ang ikabubuti nito at saan ito gagamitin matapos na una na itong ibinasura ng Supreme Court.

Una na ring nagpahayag ng pagpabor sa pagbuhay ng national ID system ang Philippine National Police.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply