Pagbuhos ng ulan sa MM hudyat na ng tag-ulan

OPISYAL nang idedeklara ngayong linggo o sa susunod na linggo ng PAGASA ang pagdating ng panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Richie Fabregas, mula sa PAGASA forecasting center, ang naranasang malakas na pag-ulan ngayong hapon sa Metro Manila ay dahil sa tinatawag na transition mula sa tag-araw patungo sa tag-ulan.

Wala naman aniyang kinalaman dito ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Borongan, Eastern Samar kundi dulot lamang ito ng thunderstorm.

Marami namang lugar sa Kamaynilaan ang nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng tubig-baha na naging dahilan din ng pagsisikip ng trapiko.

Inaasahan ng PAGASA na sa loob ng 24 oras ay maaaring maging bagyo na ang LPA.

Ang sama ng panahon ay may maximum winds na 35 kilometro kada oras at umuusad sa direksyon ng northwest sa 22 kilomotro bawat oras sa bahagi ng Northeastern Luzon (Isabela-Cagayan area).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply