Pagdalo ni Corona sa impeachment trial tututukan

TUTUTUKAN ng Malakanyang ang napipintong pagtayo ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa witness stand sa mismong impeachment trial laban sa kanya.

Inamin ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na hindi pinalalagpas ng Malakanyang ang mga kaganapan sa nasabing paglilitis dahil hangad ni Pangulong Benigno Aquino III na malaman ng publiko ang katotohanan sa isyung ibinato kay Corona at upang maalis na ang paniniwala ng ilan na pine-personal ng Pangulo ang punong mahistrado.

Si Corona ay appointee ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na batay sa ulat ay ugat ng korapsyon sa pamahalaan.

Pinalagan naman ni Lacierda ang isyu na ginamit na ng pamahalaan si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa political harassment laban kay Corona lalo pa’t napag-alaman na pamangkin diumano ni Morales ang LRA administrator na si Eulalio Diaz.

“Alam ko hindi siya direct na pamangkin. They maybe related. Similar to the fact that related din ‘yung asawa yata ni Carpio-Morales doon sa kamag-anak ni Justice Corona. It is… The relationships are totally irrelevant to this whole situation. There was a complaint filed before the Office of the Ombudsman. She is mandated to conduct a fact-finding investigation by virtue of the complaint filed before her office,” ang pahayag ni Lacierda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply