Pagdawit kay PNoy sa impeachment, taktika ng depensa

KUMBINSIDO ang Malakanyang na diversionary tactics ng defense panel ang idawit ang pangalan ni Pangulong Benigno Aquino III sa kontrobersiyal na impeachment trial.

“Obviously they’re trying to draw again the President into the issue of impeachment and we will not anymore just comment. It’s just a new tactic to get us to respond and to get us to answer, to draw us out—magkakasagutan po tayo and it diverts from the actual issue of the impeachment which is, at the moment, the presentation of the case of the defense,”  ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Kaya nga, dedma lang sila sa mga pinalulutang na isyu ng mga ito dahil sa oras aniya na patulan nila ang pag-iingay ng defense panel ay magsusunod-sunod na ang gagawing pag-atake ng mga ito sa Chief Executive.

“They will keep coming up with issues to involve the President to get us to answer and we don’t want to get drawn into that,” anito.

Inulit ng opisyal na wala silang nakikitang masama sa pagpuri ni Pangulong Aquino sa anak ni Angara na si Aurora Rep. Juan Edgardo, na isa rin sa mga tagapagsalita ng prosecution panel.

“The President has always been very frank of his views on personalities as well as issues and we do not see that slowing down in the coming weeks. He really speaks his mind—that is one thing that you can say about the President so that’s him—that’s his frankness at work,” ang pahayag ni Usec. Valte.

Sa pitong pahinang motion na isinumite ng defense panel, nakasaad dito na “the mere participation of Rep. Sonny Angara in any aspect of these proceedings places Senator-judge Angara in a position of potential conflict. What seems to be missed in all this is that Rep. Sonny Angara is the son and direct descendant of Senator-judge Angara.”

Tiniyak naman ni Senador Angara na hindi siya mag-i-inhibit bilang isa sa mga senator-judge ng impeachment trial dahil constitutional duty niya na hatulan ang impeachment trial at wala naman siyang kinalaman sa appointment ng kanyang anak bilang isa naman sa tagapagsalita ng prosecution team.

Matatandaang hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaladkad ang pangalan ni Pangulong Benigno Aquino III sa kontrobersiyal na impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, lumang tugtugin na kung kanilang ituring ang pagsangkot ng defense team sa Punong Ehekutibo sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply