Pagdinig sa kaso ng mag-asawang Ligot muling naudlot

MULING naudlot ang pagdinig sa Court of Tax Appeals (CTA) sa kasong Tax Evasion laban kay dating Armed Forces of the Philippine (AFP) Comptroller Jacinto Ligot at maybahay nitong si Erlinda.

Ang pagpapaliban sa pagdinig ng usapin ay bunga ng inihaing ‘Urgent Motion to Postpone the Hearing’ sa 3rd Division ng bagong abogado ng mag-asawa na si Atty. Emiliano Bantog.

Ayon kay Bantog, hindi siya makadadalo sa hearing dahil sa imbestigasyon sa pagpaslang sa kanyang biyenan sa Iloilo.

Dahil dito itinakda ng Court of Tax Appeals sa Hunyo 13 ang pagdinig sa kasong Tax Evasion ng mag-asawang Ligot.

Inakusahan ng BIR ang mag-asawang Ligot na hindi nagbayad ng 428 million peso aggregate tax liabilities na ibinase ng BIR sa imaginary bank deposits at properties na nakapangalan sa ibang indibidwal mula 2001 hanggang 2004.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply