Pagdinig sa kaso ng Tulfo brothers sinimulan na

UMARANGKADA na ang unang pagdinig ng Movie and Television Review and Classification board (MTRCB) sa reklamo laban sa Tulfo brothers na sina Raffy, Ben at Erwin bunsod sa kanilang pagbabanta sa mag-asawang Raymart at Claudine Barreto sa kanilang programang “T3 Kapatid Sagot Kita” sa TV5 noong Mayo 7.

Base kay MTRCB Spokesman Atty. Toto Villareal, tatalakayin ng pagdinig ang ground rules sa reklamo laban sa tatlo kung saan dumalo ang mga abogado ng TV5 na sina Atty. Nicholas Bondoc at Atty. Christine Ona.

Hindi naman namataan sa MTRCB office ang sinuman sa Tulfo brothers.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply