Paggamit ng military terms ng DepEd binatikos ng ACT

BINATIKOS ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang paggamit ng Department of Education (DepEd) ng military terminology sa kanilang kampanya at programa sa mga pampublikong eskwelahan.

Sinabi ni ACT Partylist Representative Antonio Tinio na ang paggamit ng DepEd ng military terms tulad ng “Oplan Balik-Eskwela” at “Brigada Eskwela” ay nakapagdudulot ng kalituhan sa mga paaralan.

Inihalimbawa ni Tinio ang katagang “Oplan” (shortcut ng salitang “operation plan”) ang ginagamit na termino pagdating sa military planning.

Ayon kay Tinio, dapat maging maingat ang DepEd sa pinipili nitong lenggwahe dahil maaari itong magdulot ng malaking impact sa popular culture.

Kasabay ntio, pinaalala ng mambabatas na namamayani ngayon ang militarization of schools sa ilang lugar tulad ng Cordillera, Sarangani at Surigao del Sur.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply