Paggunita sa kasaysayan ng Hukbong Dagat

MARAMING mga aktibidades ang nakalinya sa pagdaraos ng ika-114 taong anibersaryo ng Hukbong Dagat ngayong buwan. Nahahati sa tatlong bahagi ang pagdaraos ng selebrasyon Pre-Anniversary Phase, Anniversary Phase at Post-Anniversary Phase upang higit na maayos ang naturang anibersaryo. Kabilang sa mga magaganap ang mga aktibidades na nahihinggil sa Civil-Military Operations, Sports at Training, Advocacy Programs, at Navy Marketing Strategy.

Sa tatlong bahagi, ang Pre-Anniversary Phase ang pinakamarami. Mayroong paligsahan para sa pinaka-angkop na tema ng anibersaryo ngayong taon, may concert sa mga piling malls sa Maynila, may medical-dental-veterinary civic action projects, may bloodletting, livelihood project enhancement, wheelchair donation, isang Reservists Night, Health Care Fair, Read Along, Thanksgiving Mass, visitation sa mga military hospitals, at iba pa.

Sa aktwal na selebrasyon ng anibersaryo na gaganapin sa ika-22 ng Mayo 2012 sa punong himpilan ng Navy sa Roxas Boulevard, magkakaroon naman ng isang static display ng mga modernization program ng Navy, presentasyon at send-off ng katatapos lamang na na-repair at na-refurbish na mga barko ng Navy, at awarding ng mga piling tauhan, personalidad at units na nagpamalas ng natatanging kakayanan nang nakalipas na taon. Ang Kagawad ng Tanggulang Pambansa ang dadalo sa seremonya sa punong himpilan sa araw na ito.

Samantala, sa Post-Anniversary ay ipagpapatuloy ng Navy ang pagpapalabas ng kanyang MTV para sa mga kababayang Pinoy. Bahagi din ng phase na ito ang mga aktibidades na magpapaigting pa sa tema ng anibersaryo sa taong ito.

Tinatayang magiging simple lamang ngunit makaysaysayan ang selebrasyon ngayong taon. Subalit sa tulong at suporta ng lahat ng mga nagmamahal sa inyong Hukbong Dagat, magiging espesyal at makahulugan ang selebrasyong ito. Higit sa lahat, magiging matagumpay pa ang inyong Navy sa kanyang hangaring maging higit na malakas at maasahan sa taong 2020 dahil naniniwala ang bawat Mandaragat at Mandirigma at ang buong pamunuan ng Navy na sa tulong at suporta ninyo ay kakayanin natin lahat ng ito. Mabuhay ang Hukbong Dagat ng Pinoy!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply