Paghahanap sa 2 piloto ng PAF itinigil na

ITINIGIL na ng Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Navy ang paghahanap sa dalawang piloto ng Philippine Air Force matapos na bumagsak ang sinasakyang eroplano sa karagatang sakop ng Mariveles, Bataan noong isang linggo.

Ayon kay PCG Spokesman Lt. Cmdr. Algier Ricafrente, na itinigil na ang paghahanap kina Major Neil Tamaneng, at 1Lt. Michael Arugay.

Gayunman, kahit umano itinigil ang isinasagawang rescue operation ay patuloy pa rin naman ang kanilang isinasagawang Information Dissemination campaign sa mga coastal barangay, gayundin ang pagpapalabas ng “notice to mariners” upang agad na ipabatid sa kanila kung may namataan ang mga ito na dalawang piloto na sakay ng SF 260 ng Philippine Air Force.

Nabatid pa na hindi parin umano sila nawawalan ng pag-asa na makikita pa ang dalawang piloto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply