Pagharap ni Corona sa korte aprub sa prosec

NATUTUWA.

Ito ang naging kagyat na reaksyon ng prosekusyon matapos kumpirmahin ng depensa na haharap na sa paglilitis si Chief Justice Renato Corona.

Sa press briefing, sinabi ni House Deputy Speaker Erin Tañada na at least meron na aniyang date para sa pag-testify ni Chief Justice Corona.

Ang pakiusap lamang ni Tañada ay pabuksan sana ni Corona ang kanyang bank accounts upang masagot ang lahat ng lumutang na katanungan ukol sa mga ill-gotten wealth nito.

Kasabay nito, tiniyak ni Tañada na magiging magalang ang prosekusyon sa pagtatanong o sa cross examination bagamat hindi nito binanggit kung sino sa mga miyembro ng 11-man prosecution team ang tatayo upang magtanong sa punong mahistrado.

Sa panig naman ni Marikina Rep. Miro Quimbo, tiniyak niyang ipantatapat ng prosekusyon kay Corona ang mahinahon at mahaba ang pasensyang prosecutor.

Bagamat hindi binanggit kung sino sa prosecutors, sinabi ni Aurora Rep. Sonny Angara na “bahagi ng strategy ng prosecution na huwag munang i-reveal kung sino sa prosecutors ang magsasagawa ng cross-examination.

Ang depensa ay humingi sa impeachment court ng hanggang Martes upang pag-aralan ang lahat ng naihaing dokumento at ebidensya upang mapag-aralan bago maiharap si Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply