Pagharap ni Corona, sugal– Rep. Tupas

MALAKING sugal sa panig ni Chief Justice Renato Corona ang desisyon na tumestigo na sa impeachment court.

Ito ang pagtuturing ni lead prosecutor Niel Tupas Jr. na aniya’y “big time gamble” talaga.

Bagama’t ikinatuwa ni Tupas ang desisyong ito ni Corona, naniniwala ang kongresista na susugal na si Corona na humarap sa korte dahil posibleng napag-isip-isip umano nito na ito na lamang ang natitirang alas para magkaroon ng pag-asang ma-acquit sa kaso.

Ang labis lamang na ipinagtataka ni Tupas ay kung bakit kailangan pang may kondisyon sa pagharap ni Corona.

Batay sa kondisyong inilatag ng depensa, haharap si Corona sa impeachment court subalit kailangan munang ipa-subpina si Ombudsman Conchita Carpio-Morales at ang mga nagsampa ng reklamo laban sa kanya kaugnay sa diumano’y $10 million bank account niya.

May hinala ang kongresista na maaaring may ibang plano dito ang depensa.

Kasabay nito, kinukwestyon din ni Tupas kung bakit kailangan pa ng depensa ng 48 oras para maghanda sa presentasyon ng mga hostile witness.

Sa tingin ng lead prosecutor, naghahanda na naman ang kampo ni Corona na maghain ng petisyon sa Korte Suprema para ipahinto ang imbestigasyon ng Ombudsman dahil hindi na sakop ng Ombudsman ang punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply