Pagiging number 1 shabu user ng Pinas sa East Asia ikinaalarma ng ALAM

NAALARMA si Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap hinggil sa ulat ng United Nations World Drug (UNWD) na mga Filipino ang pinakasugapa ngayon sa paggamit ng shabu sa buong East Asia.

Ani Yap, posibleng may katotohanan ito dahil sa dami ng drogang nasasabat ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Gayunman, sinabi ni Yap na kulang pa rin ang programa ng gobyerno kaya patuloy pa rin ang paglaganap ng droga sa bansa.

Idinagdag pa ni Yap na ilan ding kaso ng media killings ay may kaugnayan sa droga.

Matatandaang pagbubulgar sa shabu laboratory sa Pasig ang dahilan kaya pinagbabaril si Tribune reporter Fernan Angeles.

Sa report ng UNWD, nangunguna ang Pilinpinas sa shabu abuse sa Silangang Asya.

Umaabot sa 2.1% ng mga Filipinong nasa edad 16 hanggang 64 ang gumagamit umano nito.

Ani Yap, marahil ay maluwag ang batas ng bansa tungkol sa ilegal na droga kaya ginagawang warehouse ang Pilipinas ng ibang bansa.

Umaabot sa 9850 drug operations ang nasakote ng PNP, 8491 ang naarestong suspek at 9995 kaso ang naisampa na sa korte na may kaugnayan sa droga batay na rin sa record ng pulisya.

Lumalabss din sa ulat na may 90% ng kaso ng droga ang nakabinbin pa rin sa korte, partikular na sa National Capital Region (NCR).

Base sa datos ng PDEA, mula Enero hanggang Oktubre 2011 ay nakasamsam sila ng 250 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng $68 milyon o P2.92 bilyon.

Kadalasang Chinese, Taiwanese at Korean ang nahuhuling nagsasagawa ng produksyon ng shabu sa bansa, ngunit may hinala ang media na ilang matataas na opisyal ng gobyerno ang may kinalaman dito.

Gayunman, bago ito mapatunayan ng mga investigative reporter ay napapatay na sila o kaya naman ay natatakot para sa buhay ng kani-kanilang pamilya.

Isa sa mga ipinaglalaban ng ALAM ay ang paglaban sa ilegal na droga at pagsusulong na mapangalagaan ang mga kabataan upang hindi malulong sa nasabing bisyo.

Ani Yap, kahit malagay sa peligro ang buhay ng mamamahayag ay hamda pa rin silang tuparin ang kanilang tungkuling maisiwalat ang katiwalian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply