Pagkalkal sa dollar accounts igigiit uli ng prosekusyon

IGIGIIT na rin ng prosekusyon ang paglalatag sa impeachment court ng dollar accounts sa Philippine  Savings Bank ni Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Quezon Rep. at prosecution spokesman Erin Tanada na magiging basehan ng prosekusyon ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman.

Ipinaliwanag pa ni Tanada na hindi sakop ng temporary restraining order na inisyu ng Korte Suprema sa dollar account ni Corona ang Ombudsman at ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung kaya anuman ang maging resulta ng imbestigasyon ay gagamitin nila ito upang mabuksan o maobliga ang PS Bank na ilabas sa korte ang dokumento ukol dito.

“Hindi sakop ng TRO ang Ombudsman at ang AMLC so kung makakakita ang Ombudsman ng ebidensya ay isasama ito sa paglilitis,” ani Tanada.

Magugunitang binanggit na ni Chief Prosecutor at Iloilo Rep. Niel Tupas sa pagsasara ng prosentasyon ng prosekusyon na mag-iiwan sila ng reserbasyon sa dollar accounts ni Corona partikular ang nasa PS Bank.

“Dahil sa simula pa lamang ay sinabi na ni Congressman Tupas na may reserbasyon ang prosecution sa dollar account at kung mali-lift ang TRO ay ipe-presenta namin ito sa paglilitis,” giit ni Tanada.

Sinasabing aabot diumano sa $10 milyon ang dollar account ni Corona na nakakalat sa iba’t ibang bangko sa bansa na ayon sa prosekusyon ay hindi umano malaman kung saan nanggaling at hindi ito masuportahan ng kanyang sahod sa gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply