Pagkampi ni PNoy sa mayayaman pinuna

MULING binatikos ng Gabriela Partylist si Pangulong Aquino dahil sa diumano’y lantaran nitong pagpapakita ng pabor sa mga mayayaman at malalaking kompanya sa halip na panigan ang mga maliliit na manggagawa.

Binigyang diin ni Gabriela Party-list Rep. Emmi de Jesus na ang pagtanggi ng pangulo sa P125 legislated wage hike ay malinaw na palatandaan ng pagkiling sa mga negosynate na kanilang tinawag na “Aquinoynomics.”

Aniya, ang “Aquinoynomics” ay pumabor sa mga kapitalista dahil napaniwala ang pangulo na malulugi ang mga kompanya at marami ang mawawalan ng trabaho kapag ipinatupad ang P125 legislated wage hike.

Dagdag pa ng mambabatas na nararapat lamang na palakasin pa ng mga manggagawa ang kanilang hanay upang magkaroon ng puwersa na ipaglaban ang kanilang mga benepisyo.

Si De Jesus ay kabilang sa mga nagsusulong ng 125 pesos legislated wage hike na matagal nang nakabinbin sa Kamara.

Ang reaksyon ng kongresista ay bunsod sa pagbasura ni Pangulong Aquino sa P125 legislated wage hike  dahil sa posible umanong magkaroon ng malawakang tanggalan sa trabaho at pagsasara ng mga kompanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply