Pagkatalo kay Mayweather Jr. ‘di pa tanggap ni Cotto

HINDI pa rin umano tanggap ni dating WBA super welterweight champion Miguel Cotto na natalo siya ni Floyd Mayweather nitong Linggo at naagawan pa ng korona.

Matapos ang matapang niyang pagharap kay Mayweather ay nagbalik agad ng Puerto Rico si Cotto dala ang sama ng loob sa mga hurado sa laban.

Ayaw mang humarap ni Cotto sa media, ay matinding bigwas naman ang inabot ng mga hurado sa laban mula sa kanya.

Sa pamamagitan ng Twitter, sinabi ni Cotto na hindi siya sang-ayon sa desisyon ng mga ito ngunit wala na umano siyang magagawa pa.

“I feel great,” ayon sa tweet ni Cotto. “Just resting in my SkyLoft with my family. Nothing to be down about. I respect the judges dec. but I completely disagree.”

Samantala, sinabi naman ng legal advisor ni Cotto na si Gabriel Peñagarícano na ang patuloy na pananahimik ni Cotto ay bilang protesta laban sa desisyon ng judges.

“He made a great fight. It was a close fight that I think that he won and there is a discomfort and disagreement with the decision of the judges, but it must be respected. The decision did not reflect what happened ther,” ayon kay Peñagarícano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply