Pagkatapos bantaan ang mag-asawang Santiago: Programa ng Tulfo Brothers sisiyasatin ng MTRCB

SISIYASATIN na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang programa ng Tulfo Brothers na T3 sa TV5 matapos pagbantaan ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa naturang programa.

Ayon sa MTRCB, ikinagulat ng lupon ang naganap sa programa ng magkakapatid na Tulfo na sina Erwin, Raffy at Ben.

Magugunitang kahapon (Mayo 7) ay minura at binantaan ng magkakapatid na Tulfo ang showbiz couple sa naturang programa.

Ito ay kaugnay pa rin ng naganap na bugbugan sa NAIA Terminal 3 noong Linggo (Mayo 6) na kinasasangkutan ng nasabing showbiz couple at Ramon Tulfo.

Sa naturang insidente base sa kumakalat na video sa internet, bugbog ang inabot ni Ramon Tulfo matapos siyang pagtulungan ng kampo ng mag-asawang Santiago.

Ayon pa MTRCB, pagkatapos siyasatin ang nasabing programa at may nakita silang paglabag ito ay kanilang ipatatawag upang pagpaliwanagin ang mga producer, hosts at iba pang sangkot sa programa.

Maaaring makansela o masuspinde ang naturang programa kung mapatunayang lumabag sa polisiya ng MTRCB.

Dahil dito, hiniling ng MTRCB sa iba pang mga network na mas maging responsable at maingat sa mga ipinalalabas at ipinaririnig sa mga manonood.

Samantala, sa mga oras na ito ay humingi na ng paumanhin sa mga nakikinig at nanonood sa kanilang programa ang magkakapatid na Tulfo.

Anila, maging ang kanilang ina ay hindi nagustuhan ang mga pahayag nilang magkakapatid sa kanilang programa.

Ang kanilang mga pahayag ay dala lamang umano ng bugso ng damdamin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply