Pagkikita nina Jessica-PNoy malabo pa

HINDI pa tiyak kung magkikita nang personal sina Pangulong Benigno Aquino III  at American Idol runner-up Jessica Sanchez sa Estados Unidos sa susunod na buwan.

Ani Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hectic na ang schedule ng Chief Executive na nakatakdang makipagpulong kay US President Barack Obama sa Hunyo 9.

Hindi matiyak ni Usec. Valte kung makakaya pang isingit sa schedule ng Pangulong Aquino ang posibleng meeting nito sa half Pinay na si Sanchez.

Bukod dito, sobrang abala rin ang Pinay singer sa mga schedule nito lalo’t pinaghahandaan ni Sanchez ang isang concert tour.

“We are looking at the working itinerary of the president, mukhang (it appears) tight. I’m not sure if it is possible to arrange a meeting  that is so sudden, on both sides. So I don’t know if it is possible to be able to work it in the schedule of the president and also of Ms. Sanchez. Busy ang bata at normally sa aking pagkakaalam ang finalist ng AI, they go on a concert tour,” ayon kay Usec. Valte.

Nakatakdang magkita sina Pangulong Aquino at Obama sa Hunyo 9 para lalong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.

Nauna nang ipinahayag ng Malakanyang sa pangunguna ni Pangulong Aquino ang kanilang pagsubaybay sa Idol journey ng tinaguriang “little girl with a big voice.”

Sa ulat, sinabi ng Punong Ehekutibo na masaya rin siya sa ibinibigay na suporta ng komunidad sa 16-anyos na high school student.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply