Paglalagay ng graphic warning sa mga sigarilyo pinahigpitan ng DoH

IKINASA na ng Department of Health (DoH) ang mas mahigpit na paglalagay ng “graphic health warning” sa mga pakete ng sigarilyo.

Dahil dito malaki ang paniniwala ng anti-tobacco group na panahon na upang ipatupad ang paglalagay ng babala lalo pa’t pirmado na rin ng Pangulong Noynoy Aquino ang Sin Tax Reform Bill.

Kinakalampag na rin ng grupo ni Atty. Irene Reyes, Health Justice Managing Director, ang DOH sa implementasyon ng Administrative Order No. 2010-0013 na nangangailangan ng paglalagay ng graphic health warning o larawan sa pakete ng sigarilyo.

Nabatid na 240 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil mga sakit na dulot ng paninigarilyo

Dumulog na rin ang mga kinatawan ng Department of Health (DoH) at Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court (SC) para hilingin ang “go signal” para maipatupad na ang paglalagay ng graphic health information sa lahat ng tobacco packages.

Magugunitang ilang ulit napigilan ang implementasyon ng naturang batas dahil sa mga pagtutol mula sa panig ng mga cigarette manufacturers sa Pilipinas.

Giit ng health depertment, ginagawa nila ang mga hakbanging ito bilang bahagi ng kanilang tungkulin alinsunod sa umiiral sa Saligang Batas, bukod pa sa nilalaman ng Framework Convention on Tobacco Control (FCTC).

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply