Paglipat ni Rufa Mae sa TV5 ‘di pinag-uusapan!

KINUHA ang reaksyon Ogie Alcasid tungkol sa napababalitang paglipat ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa TV5(magiging co-host ng ‘Wil Time Big Time’).

Hindi pa raw nila iyon napag-uusapan ni Rufa Mae.

“Hindi pa, actually hindi ko siya nakausap tungkol sa bagay na yan,” unang sinabi ni Ogie.

“Nakaka-text ko lang. Hindi ko siya tinanong, sinabi ko lang na… nag-text kasi siya sa akin e, out of the blue. Sabi ko, ‘O, kumusta ka?’

“Ang sinabi ko lang, ‘Kung anuman yang desisyon mo, ipagdasal mo. Kasi mahirap yung nagdedesisyon ka base sa pang-tao mong diskarte,” ang natatawa pang kuwento ni Ogie.

“’Kasi ang diskarte lagi natin mali, bilang tao, so humingi ka ng guidance, kung ano ang best way and He’ll let you know naman kung saan ka’.

“So sabi lang niya, ‘Gow!’

“Siguro nakinig na siya.”

Matagal silang magkasama sa Bubble Gang pero wala silang napag-usapang kahit ano tungkol sa paglipat? Walang advise na hiningi sa kanya si Rufa Mae?

“Hinihintay ko siya mauna, e. Kasi… ginaganun ko lang siya niloloko ko, ‘O, ano na Rufa Mae, what’s up?’

“Gumaganun lang ako sa kanya pero tumatawa lang siya so siguro naghahanap siya ng pagkakataon na magkausap talaga kami.”

Nasa Bubble Gang pa sa ngayon si Rufa Mae; sa tingin ba ni Ogie ay aalis si Rufa Mae sa kanilang show?

“No. Ang alam ko she has a contract with Bubble Gang. You may correct me, I’m not sure.”

So sa show lang may kontrata si Rufa Mae at hindi sa network?

“So kung ganoon nga, I don’t think there’s any legal impediment for her to work for channel 5.

“Wala namang problema roon.

“So far… I mean kung hanggang saan yung contract niya.”

Tsuk!

-0o0-

PUPUNTA si Willie Revillame sa Amerika para sa inaabangang US launch ng TV5 International, ang global channel ng fastest growing network sa Pilipinas.

Matagal-tagal na rin ng huling nakapunta si Willie sa Amerika at maituturing na isang “homecoming’ na ito para sa sikat na host. Sabik na sabik nang makita ng mga Pilipinong naninirahan sa Amerika ang paborito nilang host at tiyak na miss na miss na nila ang masaya at nakaa-antig damdamin nitong programa. Kasama ni Kuya Wil sa America ang mga co-host na sina Mariel Rodriguez at Camille Villar. Nandun din ang buong Wil Time Bigtime gang na ngayon pa lang ay puspusan na ang paghahanda para makapaghatid ng isang bonggang concert event para sa mga kababayan natin sa Amerika.

Tulad ng show ni Willie dito sa Pilipinas, limpak-limpak na premyo ang nakahanda para sa US concert nito. Ang mga dadalo sa nasabing event ay magkakaroon ng pagkakataon na makasali sa mga larong inihanda nina Willie. Maaari silang manalo ng malalaking premyo tulad ng house and lot na puwede nilang ibigay sa isang beneficiary nila dito sa Pilipinas.

Ang “The Big launch” ng TV5 ay magsisimula na sa Mayo 26 sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, California at sa Hunyo 2 sa Bill Graham Civic Auditorium sa San Francisco, California.

Speaking of ‘Wil Time Big Time,’ dumalaw si Cong. Cynthia Villar nu’ng Sabado sa naturang show kasama ang ilang mga OFW. Nandoon din siya para suportahan at panoorin ang improvement sa hosting ng kanyang anak na si Camille.

Muli na namang pinasaya ni Cong. Cynthia Villar ang mga contestants ng ‘Wil Time..’ na nanay ng mga special childs dahil ang jackpot na P120,000 ay tinapatan niya kaya nadoble ito at naging P240,000.
Nakakaiyak ang mga tagpong yun sa programa ni Will.

Sinagot din ni Cong. Villar ang pagpapaopera ng isang special child na naka-wheelchair at may sakit na naninigas.

Bilib talaga kami sa misis ni Senator Manny Villar dahil katulad niya ay madaling lapitan, matulungin at hindi nagdadalawang salita si Willie pag hinihiritan niya ng tulong. Napakasuwerte ni Camille na nagkaroon siya ng ganyang klaseng parents na marunong mag-share ng blessings sa kapwa.

Bongga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply