Paglulustay ng pondo sa Hudikatura tutuldukan

HINDI pa natatapos ang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, isang panukala naman ang inihain ni Sen. Franklin Drilon upang tuluyan nang tuldukan ang maling paggamit ng multi-bilyong fiduciary funds sa korte.

Nitong Biyernes, inihayag ni Drilon na inihain niya ang Senate Bill 3186 na naglalayong magkaroon ng mandatory remittance sa National Treasury ang multi-bilyong fiduciary funds o pondo na idinedeposito ng pribadong partido sa korte o nakukumpiskang piyansa.

“The Supreme Court has already acknowledged that such unclaimed fiduciary funds in custodia legis may be escheated or forfeited in favor of the government, through the Bureau of Treasury, provided that a law is passed for such purpose,” ayon kay Drilon.

Naniniwala si Drilon na sakaling mailipat sa National Treasury ang naturang pondo, mapalalakas ang pangunahing programang panglipunan na ipinatutupad ng pamahalaan.

“Sa halip na magamit na pondo para sa proyekto ng gobyerno na siyang magpapasigla sa kaunlaran ng ekonomiya at makatulong sa mahihirap, kasalukuyang abandonado, nasasayang at nakatingga lang ang pondo,” ayon kay Drilon.

Nanggagaling ang fiduciary funds mula sa salaping idenedeposito ng pribadong partido o may kaso sa korte tulad ng piyansa o bonds sa partikular na sa asunto.

Ayon kay Drilon, natuklasan ng Commission on Audit noong 2008 na umaabot sa P4.8 bilyon ang fiduciary funds sa korte na inirekomenda ng ahensiya sa national treasury.

Ngunit, hindi pumayag ang Supreme Court sa isang en banc resolution noong 2011 na ilipat sa national treasury ang pondo hangga’t hindi pa kinukumpiska ng gobyerno alinsunod sa itinakda ng batas.

Dahil dito, ayon kay Drilon, inihain niya ang panukala upang magkaroon ng basehang legal ang korte na ilipat kaagad sa national treasury ang lahat ng fiduciary funds.

Sa ilalim ng panukala ni Drilon na tatawagin bilang “Escheat of Unclaimed Fiduciary Funds of 2012, inaatasan ang hepe ng Fiscal Management Budget Officer ng Supreme Court na magsumite sa Treasury ng isang pinanumpaang statement sa lahat ng unclaimed bonds na pansamantalang nakalagak sa alinmang korte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply