Paglutang ni CJ sa Impeachment court bukas, haharangin ng ospital

POSIBLENG mauudlot pa rin ang paglutang bukas ni Chief Justice Renato Corona sa Senate court makaraang sabihin ng kanyang mga doktor na makasasama sa punong mahistrado ang ma-stress o mapagod dahil sa kanyang karamdaman.

Gayunman kung ipipilit anila ni Corona ang pagtungo sa Senado bukas ay papipirmahin nila ito ng waiver na nagsasaad na hindi nila sagutin kung may mangyari man sa kanilang pasyente.

Ani Dr. Eugenio Ramos, senior vice president ng Medical City, bukod sa waiver ay magpapadala rin sila ng team of doctors at ambulance para alalayan ang chief justice.

Matatandaan na kinumpirma na kanina ni defense lead counsel retired Supreme Court Associate Justice Serafin Cuevas na dadalo si Corona sa pagpapatuloy ng impeachment trial bukas kahit ayaw pa ng pamilya nito.

Kung hindi kasi sisipot si Corona ay isasara na ng impeachment tribunal ang kaso at submitted for resolution na ang kaso.

Isinugod sa ospital si Corona matapos ang kanyang maemosyunal na pahayag sa kanyang pag-upo sa witness stand ng isinagawang impeachment trial sa Senado.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply