Pagpapababa sa height requirement sa PNP isusulong sa Kamara

ISUSULONG na rin sa Kamara ng ilang kongresista ang pagtatanggal ng height requirement sa mga nagnanais maging pulis.

Sinabi ni Antipolo Rep. Romeo Acop, dating comptroller ng Philippine National Police (PNP), na maghahain siya ng panukala para maamyendahan ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998 kung saan itinatakda ang 1.62 meter na height requirement para sa mga lalaking gustong magpulis habang 1.57 meters naman para sa mga babae.

Binigyang diin ni Acop na hindi naman sa taas nakukuha ang pagiging mahusay na pulis kundi sa pagiging makabayan at sinseridad nito na magsilbi sa bansa ng may dignidad.

Kinakatigan ito nina House Committee on Public Order and Safety chairman Rodolfo Antonino at Paranaque Rep. Roilo Golez.

Ayon kay Golez, ang 5’4 height limitation ay pang American standard at sa katunayan ay minimum umano ito para sa mga pumapasok sa Annapolis at Westpoint.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply