Pagpapabitiw kay Carpio pinalagan ni Belmonte

SINOPLA ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte ang panawagan na magbitiw na sa tungkulin si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ginawa ito si Belmonte matapos ang panawagan ni  Chief Justice Renato Corona na magbitiw na si Morales dahil nagpapagamit siya sa administrasyong Aquino at ginawang katawa-tawa ang auditing ng pamahalaan.

Kinwestyon ni Belmonte kung anong dahilan at pinagbibitiw ni Corona si Morales gayung mandato naman nito sa ilalim ng charter ng Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon kahit sa isang impeachable officer.

Sinabi ni Belmonte na kahit hostile witness ng depensa si Morales ay lalo pa nitong pinagtiabay ang mga alegasyon laban kay Corona.

Sa panig naman ni House Majority Leader Neptali Gonzales, naniniwala siyang tapos na ang laban matapos malantad ang milyon-milyong dolyar na pumasok at lumabas sa dollar accounts ni Corona.

Ani Gonzales, dahil sa testimonya ni ombudsman Morales ay magiging napakahirap na aniya para sa sinumang senator-judge na ipawalang sala si Corona.

Ayon naman kay Deputy Speaker Erin Tañada, kapag na-impeach si Corona ay maaari na siyang kasuhan ng plunder ng Ombudsman dahil sa mga kwestyunableng yama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply