Pagpapagamot abroad di ipipilit ni GMA

NAGBAGO na ang isip ng kampo ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na magpagamot sa ibang bansa.

Mariing ipinahayag ni Atty. Benjamin Santos, legal counsel ni Arroyo, na hindi na magpapa-file ng anumang mosyon sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang kanyang kliyente para payagan ito na makalabas ng bansa para magpagamot.

Sinabi ni Santos na prayoridad ngayon ng legal team ni Arroyo ang nakatakdang bail hearing sa sala ni Pasay RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas.

iginiit ng legal spokesperson ni Arroyo na bagama’t non-bailable offense ang kaso ng former president, may karapatan pa rin umano itong hilingin sa korte na mapayagan siyang makapaglagak ng piyansa.

Maliban sa mosyon, hiniling din ng kampo ni Arroyo na mapayagan itong makalabas ng kanyang detention facility para makapagpagamot sa abroad

“Kahit po unbailable ang kinakaharap ng isang akusado, siya po ay may karapatan na maghain na hilingin na makapagpiyansa. Pero iyan ay nasa desisyon na po ng korte,” giit ng abogado.

Nauna rito’y napaulat na ang tinataglay na sakit ng 65-anyos na dating Pangulo ay posibleng humantong sa kanyang kamatayan sa oras na hindi kaagad mabigyan ng lunas ng mga dalubhasang doktor sa ibang bansa.

Lumala umano ang kalagayan ng dating Pangulo matapos na magka-problemang muli ang itinanim na titanium metal plating sa kanyang leeg na nagiging dahilan upang madalas siyang mabulunan kapag kumakain at mahirapang huminga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply