Pagpapaopera ni GMA sa abroad ipinaubaya sa korte

IPINAUUBAYA na lamang ng Palasyo sa Sandiganbayan at Pasay City Regional Trial Court (RTC) kung papayagang makapagpaopera sa labas ng bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang pagpapagamot ni Ginang Arroyo ay kaugnay sa ginawang pagsusuri ng mga dalubhasang doktor na nagsabing maaaring ikamatay ng dating Pangulo ang pananakit sa leeg sakaling bumigay ang kanyang gulugod sa oras na maalis ang braces na sumusuporta sa cervical spine.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na wala silang natanggap na ‘official report’ at hindi rin nila nakita ang medical record ng dating Pangulo.

Ayon kay Lacierda, bahala na ang Sandiganbayan at si Pasay RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas na tumimbang kung dapat ba o hindi payagang makapagpaopera sa labas ng bansa ang dating Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply