Pagpapaospital sa apo ni Ampatuan Sr. tinanggihan

HINDI pinaboran ng Quezon City court ang apila ng apo ni Andal Ampatuan Sr., suspek din sa Maguindanao massacre multiple murder na ma-confine siya  sa isang  government hospital habang nagpapagaling ng kanyang tinamong sugat dulot ng pambobomba .

Gayunman pinayagan naman ni  Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes  na madala sa Philippine General Hospital si Datu Anwar “Datu Ipi” Ampatuan Jr., apo ng Sr.  para sa muling pagsusuri bilang outpatient.

Inatasan na rin ng korte si Senior Inspector John Conrad Marcelino Basilio, warden ng  Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa na eskortehan si Ampatuan Jr. patungong PGH at pabalik ng  QCJA upang makumpleto na ang check up nito.

Matatandaang na confine si Datu Ipi  sa PGH  ng hanggang April 23  dahil sa mga pinsala kabilang ang paralysis, na tinamo sa pagsabog ng bomba sa Maguindanao noong Marso .

Humiling ito sa korte na payagan siya sa pagamutan ng gobyerno na makapagpagaling sa kanyang mga sugat pero hindi niya sinasabing I hospital arrest siya.

Ayon sa kausap, maliban sa kanyang mga sugat, umiihi rin siya ng dugo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply