Pagpapawalang-sala kay Corona inaayos ng INC

MAY ilang emisaryo diumano ng maimpluwensyang religious group na Iglesia ni Cristo (INC) ang nanggagapang sa mga senator- judges  para mapawalang sala si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial.

Batay sa inilathala ng isang pahayagan, may impormante umano na nagsabi na umiikot ngayon sa mga tanggapan ng senator-judges ang mga emisaryo ng INC ngunit hindi idinetalye kung ano ang kapalit.

Kinilala ng impormante ang mga emisaryo na sina Dan Orosa na pawang opisyal sa INC habang si Resty Lazaro naman ang tumatayong Legal Officer ng INC.

Matatandaang lumutang ang pagiging miyembro ng INC ni defense lead Counsel Serafin Cuevas sa kasagsagang ng impeachment trial  nang mapabalitang binabraso umano ito  para  umatras sa kaso ni Corona at  sa kasagsagan ng  pagsibak sa pwesto  ni Pangulong  Benigno Aquino  kay dating National Bureau of Investigation chief Magtanggol Gatdula.

Nakatakdang humarap si  Corona sa  Senado na tumatayong  Impeachment Court sa Martes, Mayo 22 upang  tumestigo at ipaliwanag ang kanyang panig hinggil sa diumano’y  paglabag sa Saligang Batas at betrayal of public trust.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply