Pagpasok ng tag-ulan mapapaaga– PAGASA

AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inaasahan na maagang papasok ang panahon ng tag-ulan sa mga susunod na araw.

Batay sa PAGASA, nakikita na ang ilang senyales na papasok na ang tag-ulan.

Nitong nakalipas na mga araw ay namataan ang mapulang kalangitan at unti-unting pagkabuo ng mga ulap.

Dahil dito, napawi na ang unang ulat ng PAGASA na maaaring makaranas ng heat wave ang bansa matapos na makapagtala ng sunud-sunod na temperatura na umabot sa 36 degrees Celsius.

Samantala, ngayong araw ay makararanas ng mainit na panahon ang malaking parte ng kapuluan.

Ito ay dahil pa rin sa umiiral na ridge of the high pressure area.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply