Pag-abante ni Jessica sa Idol finale ikanatuwa ng Palasyo

NATUWA ang Malakanyang sa pagkakapasok ni Filipino-American-Mexican singer Jessica Sanchez sa final stage ng American Idol season 11.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, natutuwa ang Palasyo sa narating ni Sanchez sa nasabing kompetisyon.

Umaasa aniya ang Malakanyang na tuluyang masusungkit ng Pinay pride ang titulo ng American Idol season 11.

Makakalaban ni Jessica ang crowd favorite na si Phillip Phillips matapos malaglag sa kontes ang isa pang finalist na si Joshua Ledet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply