Pagrenda sa presyo ng langis sinuportahan

MAY kapangyarihan ang gobyerno na rendahan ang pagtatakda sa halaga ng langis na ibinebenta sa lokal na merkado upang pangalagaan ng kagalingan at interes ng mamamamyan.

Ganito ang reaksiyon ng dalawang senador sa pahayag ng Palasyo na nakatakda nitong rendahan ang pagtatakda ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa matapos mabigong magbigay ng dagdag na sahod ang gobyerno sa uring manggagawa.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na suportado niya ang Palasyo sa pagkilos ni Pangulong Benigno Aquino upang tuluyan nang mawasak ang kartel sa pagtatakda ng presyo sa produktong petrolyo.

“I will support d president 100 percent on such move. Remember I voted against the oil deregulation law because I believe government should control gas prices,” ayon kay Sotto.

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na napapanahon ang pagkilos ng pamahalaan laban sa kartelasyon sa pagtatakda ng presyo ng langis upang maibsan ang bumibigat na pasanin ng mamamayan sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng bilihin.

“It’s about time the govt played an assertive and proactive role in preventing the big oil companies from manipulating gasoline prices in a cartel-like fashion. I hope the pronouncement made by the president is immediately translated into action,” ayon kay Lacson.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply