‘Pagsabon’ ng INC kay PNoy kuryente – Valte

KURYENTE ang report!

Ito ang resbak na pahayag ng Malakanyang matapos lumabas na pinagsabihan umano ng ilang lider ng Iglesia ni Cristo (INC) si Pangulong Benigno Aquino III na huwag silang idamay sa kahit na anumang publicity stunts na may kinalaman sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, nakausap niya kanina si Pangulong Aquino at “categorically” ay sinabi nito sa kanya na walang insidente sa pakikipag-usap niya sa Sanggunian (Council of Elders) sa pangunguna na rin ni INC Executive Minister Eduardo Manalo na pinagsabihan siya o sinabon ng mga taga-INC.

“Well, again, ang reaction po kasi ng Pangulo doon is kuryente—kuryente ‘yung report,” diing pahayag ni Usec. Valte.

Sa katunayan nga aniya ay “warm” ang naging pag-uusap ng magkabilang panig kahapon, Mayo 21 sa headquarters ng INC sa Diliman, Quezon City.

Samantala, sinabi ng Malakanyang na hindi sila nadismaya sa lumabas na kuryenteng balita dahil “sanay” na sila sa ganitong mga usapin.

Sa kabilang dako, pinabulaanan naman ni Usec. Valte na inilaan talaga ni Pangulong Aquino ang oras niya kasama sina DBM Sec. Butch Abad at DOTC Sec. Mar Roxas, mga kasamahan sa Liberal Party (LP) na sinasabing pasimuno sa Corona impeachment para panoorin ang impeachment  trial ni Corona.

Una nang sinabi ng Pangulo na sana ay sabihin ng punong mahistrado ang buong katotohanan at ipaliwanag ang hindi paglalagay ng dollar accounts sa kanyang SALN.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply