Pagsalang pa ni De Lima sa Corona trial hinarang

IPINABABASURA ng prosekusyon sa Senate Impeachment Court ang inisyung Subpoena Ad Testificandum Et Duces Tecum kay Justice Secretary Leila de Lima.

Nakasaad pa sa motion to quash na inihain ng prosekusyon na ang subpoena ay hiniling ng kampo ni Chief Justice Renato Corona noong March 21, 2012 upang ito ay tumestigo sana noong March 22, 2012 ng hapon sa Senado.

Banggit pa nina prosecution panel head Rep. Niel Tupas at Cavite Rep. Emilio Abaya na hindi lamang ginagawang katawa-tawa ng depensa ang legal procedure nang humiling ito na muling i-subpina si De Lima “but is also transgressing the precept of fair play well-entrenched in our adversarial legal system.”

Itinuturing rin ng prosekusyon na bahagi ito ng “delaying tactic” ng depensa.

“If, in all the criminal trials all over the country, the defense were allowed to arbitrarily recall witnesses of the prosecution without basis except to ask questions the defense forgot to ask during the cross, then trials will take twice the time to be resolved,” batay pa rin sa mosyon ng prosekusyon.

Samantala, inihayag naman nina Aurora Rep. Sonny Angara at Deputy Speaker Erin Tañada na patuloy na umaasa ang prosekusyon na haharap sa paglilitis si Corona na anila’y nauna nitong ipingako sa publiko.

Sinabi pa ni Angara na ngayon ay nakahanda na sila sa cross examination at pagtatanong para sa mga ihaharap na testigo ng depensa at iniisip din nila ang mga posibleng umupong witness para kay Corona.

Kampante naman si Tañada na walang anumang pasabog na ilalabas ang depensa sa pagpapatuloy ng impeachment dahil umpisa pa lang ng pagsalang ng kampo ni Corona ay wala man lamang nakontra ang mga ito sa mga ebidensya ng prosecution team.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply