Pagsasa-legal sa divorce, ikakasa ni Pia Cayetano

IKAKASA na ni Sen. Pia Cayetano, hiwalay sa asawa, ang panukalang batas upang gawing legal ang divorce sa Pilipinas na dominante ng mga Katoliko.

Sa panayam, sinabi ni Cayetano na walong taong hiwalay sa asawa na panahon na upang tuluyan nang gawing legal ang diborsiyo sa bansa dahil masyadong masalimuot ang proseso sa pagpapawalang-bisa ng kasal.

“You know I really think it’s high time for the divorce bill. I’ve talked to lawyers, and psychologists and psychiatrists, and it is so traumatic for people to go through annulment because under our Philippine law, you have to blame someone, you have to say ‘you are incapacitated,’ you are saying,  ‘this marriage never existed,’ which is not true,” ayon kay Cayetano bilang reaksyon sa paghihwalay naman ni Sen. Aquilino Pimentel III sa kanyang kabiyak na si Jewel May Lobaton.

“I mean ask anyone, I’m sure that at some moment in time, whether it was one year, or ten years, or twenty years, they loved each other. So why can’t you call it what it is? We loved each other, something went wrong, it’s done. Why will you say it never existed because, ‘hayop ka, wala kang puso, wala kang capacity?,” dagdag niya.

Nitong Martes, inamin ni Pimentel sa ipinalabas na pahayag na hiwalay na sila ng kanyang kabiyak na si Jewel na nababalitaan na palaging kasama ng isang kongresista mulang Iloilo.

Bukod kina Cayetano at Pimentel, hiwalay na rin sa asawa sina Sen. Loren Legarda at Francis “Chiz” Escudero.

“It’s not true, it’s not human, it’s not humane. So for me it is high time, let’s bring it to the level where it should be and call it ‘divorce.’  Giit ng senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply