Pagsasanib-puwersa ng GMA7 at TV5 ‘di nakaaalarma sa ABS-CBN!

MAY nabasa kaming item na kabado na raw ang ABS-CBN sa pagmi-merged o pagsasanib puwersa ng GMA7 at TV5.

Ang tanong, ngayon pa ba maaalarma ang Kapamilya Network eh lahat halos ng shows nila ay tinatangkilik ng televiewers hindi lang dito sa Pinas kundi sa iba’t ibang bansa na may TFC? Saka ilang dekada na ba sa ere ang Dos at isama mo na rin diyan ang hindi na mabilang na pinasikat nilang mga artista, ang TV5 ba may na-build-up na sumikat? Waley pa!

Yes, hanggang ngayon starlet na starlet pa rin ang dating ng pinagmamalaki nilang si Eula Caballero no! ‘Yung GMA7 naman, poor second lang sa ABS. So ano ang dapat nilang ika-insecure sa napababalitang merger na ito ng Kapuso at Kapatid Network?

Mabuti pa, paghusayan na lang ng dalawang istasyon ang pagiging magkasosyo nila nang sa ganon makalaban naman sila sa Dos in terms of ratings! How true? My BFFT Pete A. na umabot raw sa 55 billion pesos ang binayad ni Mr. Manny Pangilinan para pumayag lang ang Siyete na mag-merge sila? Sa darating na June na raw ang start ng operation ng mga nabanggit na network. Papano na si Bubonika Bubogita na hindi raw talaga feel ni Madam Wilma Galvante at Mr. Barrero? Ito na kaya ang katapusan ng career ni Ferminata sa TV? Sana, lang magdilang anghel me gyud! (Hahahahahahahahahaha! I hope so, too! – Ed)

***

American Idol 1st runner-up Jessica Sanchez atbp. abangan sa The Buzz bukas

INTERESADO ang mga televiewer pagdating sa tinanghal na 1st runner-up sa Americal Idol season 11 na si Jessica Sanchez.

Pahuhuli ba naman ang The Buzz ng Asia’s King of Talk na si Kuya Boy Abunda with Charlene Gonzales and controversial TV host/Actress Toni Gonzaga? Of course not! Lahat ng on and off cam activities ni Jessica ay mapanonood natin sa The Buzz kasama na ang marami pang pasabog ng show na linggu-linggo ay talagang pinagpi-piyestahan sa mga broadsheet, tabloid at social networking sites sa Internet. At ito rin ang malaking factor kung bakit wagi sila parati sa Kantar Media National Ratings.

Para malaman ang buong katotohan sa mga isyu at intriga na ibinabato sa inyong mga hinahangaang celebrity, aba’y huwag n’yong palalampasin ang chikahan to the max nila kuya Boy, Charlene at Toni mamaya with their respective segments like Kuya Boy’s Big Truth, Celebrity True Stories of Charlene and Toni’s Fresh Buzz. You can vote also sa segment nilang Buzz ng Bayan at watch n’yo ang kanilang Topic of the Week. To vote, just text Poll (Space) Buzz (Space) letter of your choice for Globe/TM/Sun send it to 2331 and 231 for Smart and Talk ‘N Text subscribers. The Buzz is being aired every Sunday from 4:00 PM to 6:30 PM after LUV U at ABS-CBN 2.

***

Text na nagpa-aliw sa aming araw

WE RECEIVED some text messages coming from an unknown sender at ito ang nagpa-aliw nang sobra sa aming araw. Why? Kasi porke ba nasulat lang namin dito sa Remate at pinangalanan ang blind item ng isang reporter na buntis na naman kuno itong si Ms. Breakwater na si Katherine Luna sa kanyang pang-apat na baby supposedly, aba’y nasa hospital raw ito sa ngayon at ipinalalaglag na ‘yung bata.

Kalokah! Hindi muna namin basta-basta paniniwalaan ang kuwentong ito. Baka kasi bukas makalawa ay biglang magsilang ng sanggol ang magandang actress na Julia Roberts look a-like. Hay buhay! Nakababaliwed!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply