Pagsasaya kasama sa pagkita ng pera

SINABI kahapon ni dating Las Piñas Congresswoman Cynthia Villar na kasama ang pagsasaya sa pagkita ng pera upang maging mas produktibo ang mga manggagawa.

Ani Villar, natutuwa siyang makitang tulad ng Las Piňas ay kumikita at nagsasaya ang mga tao sa Zamboanga del Norte sa pamamagitan ng Zanorte Hudyaka Festival.

Utang umano ito ng mga Zamboangan sa pagsisikap ni Zamboanga del Norte Vice Governor Francis Olvis at sa Tourism Council na pitong taon nang nag-oorganisa ng 10 araw na kasayahan sa kanilang lugar.

Dinarayo ang Hudyaka ng mga turista taon-taon, sanhi upang kumita ang mga tagaroon.

Ani Villar, nakatutuwang malamang ang kahulugan pala ng Hudyaka ay pagsasaya.
Itinuturing itong ‘best festival in the region’ dahil sa pagpapakita nito ng kasaysayan at kultura ng nasabing lugar.

Ikinumpara pa ng mambabatas ang kanyang distrito sa Zamboanga del Norte, kung saan mayroon din silang kasayahan taon-taon.

“Nakakatuwa talaga kapag ang isang pagdiriwang na natatangi sa isang lugar ay binibigyan ng pagkilala,” ani dating lady solon. “Sa aking home city, sa Las Pinas, mayroon din kaming yearly ‘Water Lily Festival’ na nag-umpisa noong taong 2006. We usually hold it during the month of July, which happens to be my birth month also. It aims to promote the water hyacinth-based livelihood enterprise in our city.”

Matatandaang nagging malaking problema ng Las Piňas ang pagdami ng water lily sa kanilang lugar.

Dahil ditto, nakaisip si Mrs. Villar na magtatag ng Villar Foundation upang itayo ang Water Hyacinth Weaving Enterprise (WHWE).

Ang WHWE ang nagbibigay ngayon ng kabuhayan sa may 400 na pamilyang dati ay walang pinagkikitaan.
Bukod sa pagkakaroon ng kabuhayan, nalinis ang Las Piñas River na nababarahan ng mga water lily na nagiging sanhi ng pagbaha sa nasabing lugar.

Ang mga pinatuyong water lily ay hinahabi upang maging mga basket, tray, sinelas, at iba pang gamit.
Sa Water Lily Festival, ipinakikita kung paano nililikha ng mga taga-Las Piňas ang kanilang mga produkto.
Ipinagmalaki pa ni Villar na iba- ibang produktong gawa mula sa water lilies ang ipinanapakita ng bawat barangay ng Las Pinas kapag festival.

Nagkakaroon din umano sila ng patimpalak sa Miss Water Lily pageant, kung saan ang mga gowns na suot ng mga beauty contestant ay yari sa water lily.

Ang nananalo sa pageant ay nagiging ambassadresses ng Las Piňas sa loob ng isang taon.

Sa ngayon umano ay lumago na ang (WHWE), dahil mayroon na rin silang coconet weaving enterprise.

Muli, gagamitin nila ang mga itinuturing na basura – ang mga balat ng niyog sa palengke na nakahambalang sa daan – upang kumita ang mga pamilyang nangangailangan.

Dahil umano sumikat na ang Water Lily Festival, inaanyayahan na silang sumali sa iba pang mga Festival tulad ng Bangus Festival sa Dagupan at Panagbenga Festival sa Baguio, kung saan ang mga ginagamit nilang dekorasyon ay mula sa mga handicrafts at materyales na gawa sa water lily.

Aniya, malaking bagay sa isang lugar na marunong magsaya ang mga tao kaya tama lamang na magkaroon ng Water Lily at Hudyaka Festival.

Ngayong taon ang tema Hudyaka Festival ay: “ZaNorte… 60 years of Peace, Unity and Prosperity.”

Magandang indikasyon umano itong ang prayoridad ng Zamboanga del Norte ay kapayapaan, pagkakaisa at pag-unlad.

Nakasisiguro na umano ang mga Zanortehanons ng magandang hinaharap.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply