Pagsipa ni Mon Tulfo kay Claudine ‘di nakita ng CebuPac staff

KINUMPIRMA ng mga ground crew ng Cebu Pacific airlines na hindi nila nakita ang paratang na pinagsisipa ng kolumnistang si Ramon Tulfo ang aktres na si Claduine Barretto.

Base sa sinumpaang salaysay ni airport security guard Eden Modejas, nakita niya kung paano pinagalitan ni Claudine ang ground staff na sina Cid Charisse Bocboc at Kristine Anne Ilagan.

Nakaagaw umano ng atensyon ang paninigaw ng aktres na naririnig ng iba pang mga pasahero.

Sinasabing si Mondejas rin umano ang tumawag ng back-up para awatin sina Tulfo at Raymart Santiago.

Hindi naman binanggit ni Mondejas na sinipa ni Tulfo si Claudine na taliwas sa ibinibintang ng aktres.

Base naman sa hiwalay na written statement nina Bocboc at Ilagan, galit na galit si Claudine nang tanungin ang nawawala nitong bagahe at hiningi pa umano ni Claudine ang pangalan ng Caticlan manager para magreklamo.

Tulad ni Mondejas, hindi rin umano nakita ng dalawang ground stewardess na sinipa ni Tulfo si Claudine.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply