Pagsunog ni Afuang sa flag ng China pinigil

PINIGIL ng mga pulis ang mga nagsasagawa ng anti-China protest makaraang sunugin ni dating Laguna mayor Abner Afuang ang Chinese flag sa harapan mismo ng Chinese consulate sa Makati City kaninang umaga.

Ayon sa report ng dzBB, pinigil ng mga pulis si Afuang na dati ring pulis, sa ginagawang pagsunog nito sa flag ng naturang bansa kung saan sinigawan pa umano nito ang isang police personnel.

“Bawal daw magsunog… Nakakahiya kayo … Mga pulis patola kayo,” ayon kay Afuang sa mga pulis.

Base pa sa ulat, nakuha ang ilang Chinese flags sa sasakyan ni Afuang.

Binuhusan umano ni Afuang ng gas ang isa sa mga flag at sinindihan ang isang sulo na gagamitin sa pagsunog sa naturang bandila.

“If I have to burn it every day, I will burn it. I have money,” ayon pa kay Afuang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply