Pagtakbo bilang mayor dedesisyunan na ni Erap

IPINAGPALIBAN muna ngayong araw ni dating Pangulong Joseph Estrada ang kapasyahan kung sasabak siya sa lokal na halalan bilang kandidato sa pagka-alkalde sa Maynila.

Sa kanyang talumpati matapos manumpa bilang mga bagong kasapi ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) sina dating Senador Migz Zubiri at Manila Vice Mayor Isko Moreno, sinabi ni Estrada na sa Mayo 12, Sabado, na siya magpapasya kung magiging kandidato siya bilang  alkalde ng kapitolyo ng Pilipinas.

“Siyam na tulog na lang at malalaman n’yo na kung tutuloy ako o kung si Isko ang mayor nito,” pahayag pa ni Estrada sa harap ng mga dumalo sa oath-taking nina Zubiri at Moreno na ginanap sa makasaysayang Club Filipino.

Ayon pa sa kay Estrada, sakaling hindi niya ituloy ang pagsabak sa lokal na posisyon, ibibigay naman nito ang lahat ng suporta kay Moreno bilang opisyal na kandidato ng PMP sa Maynila.

Naniniwala rin ang dating pangulo na napag-iwanan na ang Maynila sa usapin ng kaunlaran kaya kailangan na nito ng complete urban renewal.

“Ngayon ay naiwan na ang Maynila for the past 20 years ng Makati, Quezon City at Taguig. Bakit nagkaganoon?” pagtatanong pa ni Erap.

Bukod kina Zubiri at Moreno, sumama rin sa PMP ang 28 mula sa kabuuang 36 na konsehal ng Maynila.

Kung si Senador Jinggoy Estrada naman ang tatanungin, naniniwala ito na hindi na dapat pang sumabak sa Maynila ang kanyang ama dahil wala na naman siyang dapat na patunayan pa dahil nagsilbi na siya bilang alkalde, senador, Bise Presidente at Pangulo.

Gayunman, handa aniya silang suportahan ang ama sa magiging desisyon nito.

Matatandaan na nauna nang inihayag ni Lim na kusa siya aalis sa kanyang tanggapan kung napipisil niya na hindi na siya gusto ng Manilenyo bilang kanilang punong opisyal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply