Pagtatayo ng Martial Law museum iminungkahi

IMINUNGKAHI ngayon ni Vice President Jejomar Binay na magtayo ang pamahalaan ng isang Martial Law museum upang maging mulat ang kabataan sa ginawang pakikipaglaban para sa kalayaan at demokrasya noong panahon ng batas militar sa bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Binay na dapat maipabatid sa kabataan na ang tinatamasang kalayaan sa ngayon, tulad ng malayang pamamahayag, ay pinagbuwisan ng buhay ng mga makabayang Pilipino na kahit magkakaiba ang pampulitikang samahan ay nagkaisa upang ipaglaban ang kalayaan at demokrasya.

Ayon pa sa dating human rights lawyer na biktima rin ng diktaduryang Marcos, naging inspirasyon niya sa itatayong Martial Law museum ang mga mga nakitang Holocaust Museum sa Germany at ang Korean War Memorial Museum sa South Korea.

Ani Binay nakausap na niya ang mga personalidad na kasama noon sa pakikibaka para maibalik ang demokrasya sa bansa at nagpahayag ang mga ito ng pagsang-ayon sa kanyang panukala.

Sinabi pa ni Binay na maaari ring pondohan ng public-private partnership ang itatayong museleo upang maging isa sa mga tourist destination ng Pilipinas.

Naniniwala rin ang Bise Presidente na ang mabagal na pag-unlad ng turismo sa bansa ay bunsod na rin ng kakulangan ng pagsasama ng private at public sectors.

Aniya, kailangan lamang maging malikhain para makahatak ang Pilipinas ng mga turista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply